TATLONG PAMANTASAN SA GITNANG LUZON, PASOK SA QS WORLD UNIVERSITY RANKINGS: ASIA 2026
Tatlong unibersidad mula sa Gitnang Luzon ang kinilala sa QS World University Rankings: Asia 2026, bilang patunay ng kanilang husay at kalidad sa edukasyon.
Kabilang sa listahan ang Central Luzon State University (CLSU) sa Nueva Ecija na nasa Rank 1001–1100, Angeles University Foundation (AUF) sa Pampanga na nasa Rank 1201–1300, at Bulacan State University (BulSU) na kabilang sa Rank 1500+.
Sinusuri ng QS Ranking ang mga paaralan batay sa iba’t-ibang pamantayan gaya ng academic reputation, research output, faculty qualifications, at international engagement ng mga paaralan.
Ayon sa press release ng CHED Regional Office III, ipinapakita ng pagkilalang ito na patuloy na tumataas ang kalidad ng edukasyon sa Gitnang Luzon at kaya nitong makipagsabayan sa ibang unibersidad sa buong mundo.
Samantala, tumanggap din ang City College of San Fernando sa Pampanga ng parangal mula sa QS Reimagine Education Awards 2025 dahil sa limang natatanging proyekto at programa nito sa edukasyon.
Sa press release ng CHED Regional Office III, kanilang ipinagmamalaki ang mga institusyong ito bilang tagapagdala ng karangalan ng Region III

