Umani ng mahigit sa 200K haha reactions ang videong ibinahagi ng ChuwiQ page sa Facebook kung saan makikita si Father Chito Beltran, kura paroko ng Parokya ni San Pablo Apostol sa bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija.

Sa video ay makikita ang paglapit ni Father Beltran sa mikropono habang umaawit ang kanilang choir nang medyo mabitin ang boses ng kanilang mang-aawit na may hawak ng mikropono at medyo pumiyok ito.

Napatawa ng mahina si Father pero dahil nasa seryosong sitwasyon ito ay napigilan din niya ang tuluyang mapatawa.

Benta naman sa mga netizen ang caption ng video na “Ok lang maraming points si father”, na tumutukoy sa magiging puntos nito pagdating sa langit.

Komento ng ilang netizens, “napapikit nalang at nagcompute kung ilan points ang na kaltas”, hirit naman ng isa “pigilan mo sarili mo father nasa seryosong sitwasyon ka”, say naman ng isa “1000 points ni father ngayon 900 nalang” at meron ding nagsabing professional si father dahil nagawa din nitong pigilan ang tuloy-tuloy na pagtawa.

Hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang sakristan na nasa likod ni Father Beltran, na sa una ay pasulyap-sulyap kay father hanggang sa pasilip silip sa kumakanta hanggang sa tumingin nalang sa malayo.

Sabi ng ibang nagkomento “mas bilib pa rin talaga ako sa sakristan ni Father”, “Pigil na pigil nasa likod”, at “Guy sa likod: pano ba kasi ako napadpad dito”.

Aabot na sa 4.5 million views ang naturang video at 6.5k comments.