BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Nagresulta sa pagkakaaresto ng Top 7 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Bongabon ang isinagawang manhunt operations ng Nueva Ecija Police Provincial Office noong May 29, 2024.

Base sa report na isinumite kay Provincial Director Richard Caballero, bandang 6:20 PM, nang ihain ng Bongabon Police ang Warrant of Arrest for Estafa ng 44-year-old na babaeng suspek sa bahay nito sa Barangay Kaingin.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng operating unit ang suspek na walang inirekomendang piyansa.