BABALA! SENSITIBONG BALITA:

MGA PEKENG SIGARILYO MULA SA PANGASINAN, NASABAT SA BAYAN NG CUYAPO

Arestado ang isang 43-anyos na lalaki na umano’y fake cigarette dealer sa inilunsad na anti-criminality checkpoint sa kahabaan ng Pangasinan-Guimba Road malapit sa Barangay Curva, Cuyapo noong December 10, 2024.

Base sa report ng kapulisan, 11:40 ng umaga nang harangin ng mga elemento ng Cuyapo Police ang isang black Tricycle Rusi dahil nilampasan ng driver nito ang checkpoint.

Sinabi umano nito na ang mga kahong sakay ng tricycle ay naglalaman ng mga ukay-ukay na damit. Ngunit nang inspeksyunin ay natuklasang Modern cigarettes ang laman nito na tinatayang nagkakahalaga ng Php62,800.00.

Dahil nabigong magpakita ng mga kaukulang dokumento ang driver ay nahaharap ito sa kasong Violation of RA 9211 (the Tobacco Regulation Act of 2003).