P138 MILLION, ITINANGGI NG PHILHEALTH NA PARA SA CHRISTMAS PARTY

Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation ang alegasyon hinggil sa pinag-uusapang breakdown na P138 milyong pondo na gagamitin umano sa Christmas Party.

Paliwanag ng ahensiya, ito ay para sa kanilang ika-30 taong anibersaryo sa 2025 na kanilang pinag-aaralan kaya hindi pa umano pinal.

Sinabi ng Philhealth na mahigpit ang kanilang pagsunod sa utos ng MalacaƱang ukol sa pagkakaroon ng simpleng selebrasyon ng Kapaskuhan matapos ang magkakasunod na pananalasa ng mga bagyo sa bansa.

Tiniyak naman ni Health Secretary Ted Herbosa na kahit wala ang subsidiya ng gobyerno, sapat ang P150 bilyon na surplus mula sa 2024 budget para matugunan ang mga pangangailangan at mapabuti ang mga kasalukuyang benepisyo ng kanilang mga miyembro.

Sa kabila ng zero subsidy, inaprubahan ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation ang P284 billion pondo sa susunod na taon ayon sa Department of Health.

Naninindigan din ang Philhealth na sila ay nananatiling transparent sa paghawak ng pondo ng kanilang miyembro.