BAGONG POLYMER BANKNOTES NG PILIPINAS, INILABAS NA NG BSP

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga disenyo ng bagong polymer o plastic na banknote kung saan tampok ang mga hayop na katutubo sa Pilipinas bilang kapalit ng mga pambansang bayani ng Pilipinas.

Base sa pahayag ng BSP, nasa 70 mllion hanggang 90 million piraso ang inilaan para sa bawat P500, P100 at P50 polymer banknotes.

Makikita sa P1000 ang Philippine eagle at sampaguita flower habang sa P500 polymer banknote ay tampok ang Visayan spotted deer at Acanthephippium mantinianum. Ang 100-piso bill ay may Palawan peacock-pheasant at Ceratocentron fesselii at ang 50-piso banknote ay nagpapakita ng Visayan leopard cat at lanutan ni Vidal.

Ang mga bagong polymer banknote ay mas tatagal ng hanggang pito at kalahating taon kumpara sa papel na napuputol o hanggang isa’t kalahating taon na mas makakatipid dahil hindi na kailangan ang madalas na pagprodyus ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, nilinaw naman ng BSP na wala silang planong i-phase-out ang perang papel. Patuloy pa ring paiikutin ang mga ito para matugunan ang demand para sa suplay ng pera sa bansa.