BILLBOARD NI BINI MYCA CABLING MARTINEZ, AGAW-PANSIN SA KAHABAAN NG MAHARLIKA HIGHWAY SA CABANATUAN CITY

Agaw-pansin sa mga motorista ang billboard ni Bini Myca Cabling Martinez sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Cabanatuan City.

Ang kanyang litrato sa nasabing billboard ay nakabaligtad ang kuha na may caption na “Baligtarin man ang mundo, buong puso pa rin maglilingkod sa iyo”.

Si Martinez ay tatakbo bilang konsehal sa lungsod ng Cabanatuan para sa National and Local Election 2025 sa ilalim ng Partidong Unang Sigaw na pinamumunuan ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor and Cabanatuan Mayoralty candidate Doc Anthony Matias Umali.

Tutukan ni Bini Maica ang mga programa sa kabataan, kababaihan at LGBTQIA + sa lungsod.

Kilala si Bini Maica Martinez bilang isang host at beauty queen kung saan naiuwi niya ang mga titulo bilang Miss Bingoplus Universe Philippine 2024, 3rd runner-up ng 2019 Miss Millenial Philippines ng Eat Bulaga, Miss Petite Global Philippines 2023, 1st runner-up 2022 Aliwan Fiesta Digital Queen Philippines at marami pang iba.