LRT-1 CAVITE EXTENSION PROJECT PHASE 1, BUKAS NA; PAGBIBYAHE NG COMMUTERS, MAS MABILIS NA

Mas mabilis, komportable, at ramdam na ang modernong sistema sa pag-commute dahil bukas na
ang LRT-1 Cavite Extension Project Phase 1.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon nito noong November 15, 2024.

Sa kanyang speech binigyang-diin niya ang kahalagahan nito sa mga mananakay, at hangaring matapos ang natitirang tatlong istasyon hanggang Bacoor, Cavite sa lalong madaling panahon.

Nagpahayag din si Marcos ng pasasalamat sa mga pangulong nauna sa kanya, simula kay Estrada, Arroyo, Aquino, at Duterte bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap sa pagsulong ng proyekto ng L1CE.

Sinimulan noong November 16, ang operasyon ng bagong limang istasyon sa ilalim ng Phase 1 ng Cavite Extension Project.

Kaya pinabilis na ang byahe mula Quezon City papuntang ParaƱaque City dahil sa limang bagong dagdag ng mga istasyon ng LRT-1, ito ay ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, Asia World (PITX) Station, Ninoy Aquino Avenue Station at Dr. Santos Station.