Babala! Sensitibong Balita: MURDER SUSPECT SA BULACAN, NAHULI SA HOTEL SA CABANATUAN

Murder Suspect sa Bulacan, naaresto ng Central Luzon Police ang isang suspek sa pagpatay sa isang hotel sa Cabanatuan City, wala pang 24 oras matapos ang insidente pamamaril sa Plaridel, Bulacan.

Ayon kay PRO3 Director PBGen Ponce Rogelio PeƱones, naganap ang pamamaril madaling-araw ng January 3, 2026, sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sa Bgy. Tabang, Plaridel. Kaagad umanong nai-report ang insidente, kaya mabilis na i-secure ng Plaridel Police ang crime scene at nagsagawa ng follow-up operations.

Mahalagang impormasyon umano mula sa isang witness ang naging susi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspect at ang posibleng escape route nito. Dahil sa impormasyong ito, agad na na-narrow down ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspect at nakipag-coordinate sa iba pang police units.


Kaya bandang 5:30 ng hapon ng parehong araw, natunton at dinakip ng pinagsanib pwersa ng mga pulis ng Plaridel, Bulacan, at Cabanatuan ang suspek sa isang hotel sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nasamsam mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol na may mga bala, pati na rin ang isang sasakyan na pinaniniwalaang ginamit niya sa pagtakas.