Nakakuha ang Central Luzon ng pinakamalaking bahagi ng pondo para sa farm-to-market roads (FMR) sa P6.793-trillion national budget para sa 2026.
Matatandaan na noong Lunes, January 5, 2026, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2026 National Budget sa Ceremonial Hall ng MalacaƱang.
Batay sa pambansang pondo ngayong taon, umabot sa P4.89 billion ang alokasyon sa Central Luzon para sa FMR, na mas mataas ng mahigit P400 million kumpara sa Eastern Visayas na may P4.4 billion.
Kasunod ng Central Luzon at Eastern Visayas ang Cagayan Valley na nakakuha ng P3.78 billion, SOCCSKSARGEN na may P3.57 billion, at Calabarzon na may P2.65 billion.
Ang Ilocos Region naman ay may alokasyon na P1.84 billion, Northern Mindanao na may P1.56 billion, Bicol Region na may P1.51 billion, Davao Region na may P1.5 billion, Western Visayas namay P1.43 billion, Central Visayas na may P1.31 billion, at Zamboanga Peninsula na may P1.22 billion.
Samantala, ang Cordillera Administrative Region ay may alokasyong P939.7 million, Caraga na may P798 million, at Mimaropa P480 million.
Nakasaad din sa 2026 National Budget ang mandato para sa transparency sa lahat ng infrastructure projects, kabilang ang farm-to-market roads.

