TRACK-RECORD, GAWIN UMANO SANANG BASEHAN SA PAGBOTO
Nakatakdang ganapin sa May 12, 2025 ang midterm election kung saan labindalawang senador ang ihahalal.
Umaasa si Senator Ramon “Bong Revilla Jr. na masusing titignan ng mga Pilipinong botante ang kanyang magandang track-record sa loob ng 18 LABING WALONG taon na paglilingkod bilang senador.
Si Revilla, na naghain kamakailan ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) sa ilalim ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ay bahagi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Senate Slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Hangad aniya niyang muling ipaglaban at tindigan ang kapakanan ng bawat ordinaryong Pilipino, na sa loob ng nakalipas na TATLUMPUNG TAON 30 na taon ay miyembro ng iisang partido, ang Lakas-CMD.
Si Revilla ay naging instrumento sa pagpasa ng mga batas na nagbibigay ng direktang benepisyo sa maraming Pilipino hanggang ngayon.
Kabilang ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” (RA 11997), Expanded Coverage of Centenarians Act (RA 11982), “No Permit, No Exam Prohibition Act” (RA 11984), “Free College Entrance Examinations Act” (RA 12006), Pagbibigay ng Night Shift Differential Pay sa mga Empleyado ng Gobyerno (RA 11701), at “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909).
Siya rin ang may-akda ng batas na magbibigay para sa “legitimation” ng mga batang ipinanganak sa labas ng kasal at ang motorcycle helmet act, bukod sa marami pang iba.
Nakapagtala si Revilla ng perfect attendance, at nakapaghain ng kabuuang 1,979 na panukalang batas at resolusyon, kung saan 339 dito ang naisabatas.
Plano naman ng senador sa kanyang ika-apat na termino sa Senado na ipagpatuloy ang pagtataguyod ng hustisyang panlipunan, kapakanan ng mga manggagawa, seguridad sa pagkain, pampublikong imprastraktura, at benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno.

