PAMPERING DAY, LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL, IPINAGKALOOB NG PROVINCIAL GOVERNMENT OF NUEVA ECIJA PARA SA MGA KAWANI
Inihandog ng Provincial Government of Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Anthony Umali ang pampering day at libreng serbisyong medical para sa mga kawani ng kapitolyo noong September 18, 2024 sa New Capitol Palayan City bilang pakikiisa sa 124th Philippine Civil Service Anniversary.
Pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office o PHRMO ang paghahanda para sa pampering day katuwang ang Provincial Manpower Training Center o PMTC. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga empleyado ang libreng haircut, manicure, pedicure at massage.
Naglaan din ang Pamahalaang Panlalawigan ng libreng sopas at grand pakain sa tanghalian para sa mga kawani.
Bukod dito ay nagsagawa rin ang Provincial Health Office o PHO sa tulong ng mga doctor sa ilalim ng pamamahala ng PGNE ng free medical colsultation, dental services, minor surgery at nutrition counseling para sa mga empleyado na may mga karamdaman.
Ayon kay PHRMO Officer-in-charge Mary Angeline A. Fernandez, ito ang pangalawang batch na kanilang inilunsad para sa kapakanan ng mga kawani ngayong Civil Service Month.
Ibinalita rin ni Fernandez na sa darating September 27 ay magkakaroon ng Sweat and Swagger Zumba Showdown ang kapitolyo kung saan siyam na grupo mula sa ibat-ibang opisina at ospital ang maglalaban-laban upang ipakita ang kanilang galing sa pagsasayaw.
Nagpasalamat din si Fernandez kina Gov. Oyie, Vice Gov Anhony at sa suporta ng ina ng lalawigan sa kanilang tanggapan.

