BAGONG AMBULANSIYA, MALAKING TULONG SA BARANGAY LOURDES CABANATUAN CITY

Para sa mga taga Barangay Lourdes napakahirap kapag may mga sakuna o aksidente sa kanilang lugar lalo na kapag wala silang magamit na ambulansiya. Kalimitan nilang service ay ang tricycle para maihatid ang mga pasyente sa ospital.

Kaya sa pangunguna ni Kapitana Ma. Corazon Lagao at ng Sanguniang Barangay ay gumawa sila ng kahilingan kay Governor Aurelio Umali at sa Bise Gobernador Doc Anthony Matias Umali na kaagad namang tinugunan.

Pinagkalooban sila ng isang bagong ambulansiya para mayroon na silang magagamit, lalo na sa panahon ng mga kalamidad, paghahatid ng ayuda at paglikas sa mga apektado ng pagbaha at kapag may aksidente ay mapabilis ang pag responde sa kanilang mga mamamayan.

Lubos ang pasasalamat ni kapitana Lagao at ng kanyang mga kabarangay dahil hindi lamang bagong ambulansiya ang naipagkaloob sa kanila, maging ang bagong multipurpose Hall, at basketball gym ang handog sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.