GREAT EGYPTIAN PYRAMID OF GIZASA, PAANO BA NAGAWA?

Ang Great Pyramid of Giza ay ang pinakamalaking Egyptian Pyramid sa buong mundo, isa ito sa 8 wonders of the world na makikita paring matibay at matatag, Ang pyramid ay itinayo upang magsilbing libingan ng mga Faraon at para maging templo ng kanilang kaluluwa.

Sinimulan ang pagtatayo ng pyramid noong 2630 BC at ang pinaka huling naitayo ay noong 1525 BC

Ang The Great pyramid of Giza na matatagpuan sa Greater Cairo sa Egypt ay Itinayo noong early 26th century BC at natapos sa loob ng 27 taon.

Ito ay may taas na 146.6 metro (481 talampakan), at 756 ft naman ang haba bawat kanto, binubuo ito ng 2.6 million na bloke ng bato, may timbang ito na halos 2-30 tonelada kada bato, ang pinakamabigat na bloke ay umaabot sa mahigit 50 toneladoo katumbas ng 45 libong kilo ng bigas na aabot sa 6 million tonilada o 6 na billion kg.

Paano nga ba nabuo ang pyramid of Egypt? na umabot sa 27 taon na walang modernong kagamitan noong panahong iyon, isipin nalang natin kung paano nila binuhat ang ganon kabigat na mga bato? na ang tangi lamang nilang kagamitan ay copper chisels, wooden sleds and ramps.

Meron mga nagsasabi na tinulungan umano ng mga Alien ang mga tao para maitayo ang mga ito, dahil sa panahong iyon ay napaka imposible makakapag tatayo sila ng ganon kataas na mga pyramid.

Pero ayon sa mga Egyptologist na nag-aaral ukol sa mga Faraon at pyramid sa Egypt, na maraming paraan ang mga Egyptian para magawa ang imposibleng proyekto, Marami rin ang nagsasabi na ang gumawa ng pyramid ay ang mga aliping Israelita, Pero ayon sa mga expert ang tumapos sa ganitong mga proyekyo ay ang mga skilled worker, mga sinaunang arketikto at mga inhenyero at siniguro nila na ang gagamiting materyales ay mga matitibay para hindi masira at tumagal kaya ang pangunahin nilang materyales na ginamit ay ang bloke ng bato.

Kahit sa aking sarili hindi ko rin maisip kung paano nga nagawa ng mga sinaunang tao ang ganito kamanghamanghang inprastraktura sa ehipto.

Akalain mo isa palang na pyramid ay umabot nang 27 years in the making? paano pa kaya ang 118 na pyramid na na identified na mayroon sa Egypt?