Gumawa ng panibagong kasaysayan ang star batter ng India na si Virat Kohli noong Linggo, January 11, 2026.

Nalagpasan niya ang record ni Sachin Tendulkar matapos siyang maging pinakamabilis na player na nakakuha ng 28,000 international runs sa unang laro ng One Day International (ODI) series laban sa New Zealand.

Nagawa ni Kohli ang milestone na ito sa loob lamang ng 624 innings. Dahil dito, nalagpasan niya ang record ni Tendulkar na umabot ng 644 innings at ni Kumar Sangakkara ng Sri Lanka na may 666 innings.

Sa edad na 37, patuloy pa ring nangingibabaw si Kohli sa lahat ng format ng laro.

Matatandaang noong 2023 at 2024, siya rin ang naging pinakamabilis na nakakuha ng 25,000 hanggang 27,000 runs.