Babala! Sensitibong Balita: SHABU, NASABAT
Arestado ang dalawang high-value individuals at nakakumpiska rin ng higit ₱3.25 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Olongapo City noong Enero 9 at 10, 2026.
Sa unang operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), katuwang ang CIU OCPO at RID PRO3, naaresto si alias “Bash” sa Barangay West Bajac-bajac. Sa buy-bust nsamsam umano mula sa kanya ang 400 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱2.72 milyon.
Samantala, sa ikalawang operasyon sa Barangay Sta. Rita, naaresto naman si alias “Kevin” at narekober mula sa kanya ang 78 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱530,400, kasama ang buy-bust money.
Ayon kay PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3, ang mga tagumpay na ito ay patunay ng tuloy-tuloy at intelligence-driven na diskarte ng rehiyon laban sa ilegal na droga.
Ang mga pag-aresto ay alinsunod umano sa PNP Focused Agenda ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

