NOVO ECIJANANG ANAK NG MAGSASAKA, GURO, TOP 1 SA CRIMINOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION
Nanguna ang Novo Ecijanang anak ng magsasaka at guro na si Alyssa Eliana Bautista ng Brgy. Bakod Bayan, Cabanatuan City at graduate ng PHINMA Araullo University, na nakapagtala ng 92.10% overall rating sa Criminologists Licensure Examination nitong July 31-August 2, 2024.
Si Alyssa ay pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinagmamalaking itinaguyod sa kolehiyo ng kanyang ama sa pagsasaka at ng kanyang ina na isang guro.
Ayon kay Alyssa, dumaan man sa suliraning pinansyal sa kanyang pag-aaral noong nasa First Year College siya ay sinikap niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral kaya kalaunan ay naging full scholar ng kanilang unibersidad.
Pagbabahagi ni Alyssa, nagkaroon siya ng problema sa kalusugan sa panahon ng kanyang pagrereview at mismong araw ng eksaminasyon ngunit kahit na medyo hirap dahil panandalian itong nawawala sa pokus ay kumpiyansa siyang maipapasa ito.
Ang hindi nito inaasahan ay ang makuha niya ang unang pwesto sa naturang pagsusulit na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan.
Sa ngayon ay nagnanais si Alyssa na magturo sa kanyang pinanggalingang unibersidad upang maging bahagi ng pagkatuto ng kapwa niya mga future law enforcers bilang pagbibigay sukli sa lahat ng mga oportunidad at pag-aalagang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang eskwlehan.
Lubos din ang kanyang pasasalamat sa kanyang paaralan at sa kanyang mga magulang na nagtiwala sa kanyang kakayahan at sumuporta sa kanya mula umpisa hanggang sa makapasa siya sa board exam.

