BABALA! SENSITIBONG BALITA:

HALOS KALAHATING MILYONG PISONG HALAGA NG UMANO’Y SHABU, NASASAM NG KAPULISAN SA CABANATUAN CITY

Arestado ang tatlong suspek sa isinagawang operation against illegal drugs ng Nueva Ecija Provincial Police Office na nagresulta sa pagkakakumpiska ng Php476,000.00 na halaga ng shabu noong August 26, 2024.

Base sa report na isinumite kay Provincial Director Richard Caballero, 8:16 PM ng gabi nang magsanib-pwersa ang mga operatiba ng SDEU Cabanatuan City PS, and NEPPO-PPDEU at naglunsad ng anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Bantug Norte, Cabanatuan City kung saan nahuli ang tatlo na mga residente ng naturang lungsod.

Nakabili umano ang nagpanggap na buyer ng one heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.5 grams ng pinagsususpetsahang shabu mula sa mga suspek gamit ang Php1,000 marked money.

Umabot naman sa total na 70 grams ng shabu ang nasamsam sa tatlong suspek nang sila ay maaresto.