BABALA! SENSITIBONG BALITA:
PANGUNAHING SUSPEK SA PAGPATAY SA KAPITAN SA LUPAO, NADAKIP SA PANGASINAN
Nagresulta sa pagkakadakip sa pangunahing suspek sa pagpatay kay dating Kapitan Reginald Espiritu ng barangay San Isidro sa bayan ng Lupao ang patuloy na operations ng mga awtoridad.
Kinilala ang suspek na si KENDRICK TANDOC y Evaristo, 46 years old, a residente ng naturang barangay, at nakatala bilang Number 1 Most Wanted Person sa bayan ng Lupao.
Base sa report ng Nueva Ecija Provincial Police Office, 11:45 ng umaga noong August 15, 2024 nang maglunsad ng Manhunt Charlie Operation sa Barangay Maronong, Sta. Barbara, Pangasinan ang pinagsanib-pwersa ng Lupao Police Station (lead unit), 2nd PMFC-NEPPO, at Sta. Barbara Police Station (Pangasinan PPO).
Doon naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest for Murder na walang inirekomendang piyansa.
Matatandaan na si Kapitan Espiritu, kwarentay sais anyos ay pinagbabaril ng riding in-tandem noong madaling araw ng January 24, 2023 sa tapat ng kanilang sari-sari store.

