BABOY NA MAY ASF, BABAYARAN NG P12K NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Nagdeklara na ng state of calamity ang Lalawigan ng Batangas kasunod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF), na lubhang nakaapekto sa rehiyon na kilala bilang livestock capital ng Pilipinas.

Inirekomenda ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council ang pagdeklara ng state of calamity na inaprubahan ng Provincial Board noong Sabado, Agosto 10, 2024.

Ayon kay Batangas Governor Mark Leviste, hindi lang probinsya ng Batangas ang apektado dito, kung hindi malaking bahagi ng merkado ng bansa.

Magbabayad naman ng 12K ang Department of Agriculture sa may mga alagang baboy na tinamaan ng African Swine Fever (ASF) mula sa dating 5k para mahikayat ang mga taong mag report sa DA.

Mas madaling mapipigil ang pagkalat ng sakit kung naire-report ito agad sa DA at mabayaran ang mga may alagang baboy na may sakit.

Paliwanag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ganitong paraan, hindi na maibibiyahe at mabebenta pa ang mga baboy na may sakit at nang hindi na kumalat pa ang ASF.

P150 milyon ang pondo ng DA para sa pagtugon sa ASF na magagamit sa pagbili ng bakuna o pambayad sa magsasakang may baboy na may ASF.

Pero, tinanggihan ng DA ang panawagang magdeklara ng state of national calamity dahil sa ASF na nananalanta ngayon sa mga babuyan sa Batangas.

Sabi ni pa Laurel, sapat na ang paglalagay ng mga checkpoints, pagbabakuna, at ang pagbabayad sa mga magbababoy sa mga alaga nilang papatayin at susunugin para hindi na kumalat ang ASF.

Ikinaila rin ng kalihim na naq magmamahal ang baboy sa palengke at magkaka-shortage nito.

Sa inisyal na datos ng Office of the Provincial Veterinarian (OP-VET) ng Batangas, umabot na sa humigit-kumulang P13 bilyon ang tinatayang pinsalang dulot ng ASF outbreak dahil sa malawakang depopulasyon ng mga baboy sa lalawigan.

Sa pinakahuling ulat, may kabuuang 2,518 na baboy ang na-culled, na ang bilang ay patuloy na tumataas.