MAKATAO, ‘BLOODLESS WAR ON DRUGS’ NG PNP, KINILALA NI PBBM
Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang mga pagbabago at tagumpay ng kapulisan sa pamumuno ni police chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa ginanap na 123rd Police Service Anniversary sa Camp Crame.
Sa talumpati ng pangulo, hinikayat niya ang kapulisan na ipagpatuloy ang kanilang makataong operations, at “bloodless war on dangerous drugs” na nagresulta sa pagbabalik ng tiwala ng mga mamamayan dahil sa pagbaba ng kriminalidad sa loob ng isang taon.
Ang joint operations aniya ng PNP at Armed Forces sa Internal Security ay naging sanhi ng neutralization ng halos 2,000 or 1,951 members ng local and communist terrorist groups.
20,286 drug personalities naman ang naaresto, habang higit P13.72 billion na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska sa 16,634 operations mula April 1 to July 31, 2024.
Sa ginanap na anibersaryo, pinangunahan ng pangulo ang paggawad ng pagkilala sa iba’t ibang miyembro at yunit ng PNP na nagpakita ng huwarang pagganap sa tungkulin.
Ininspeksyon din ang 20 units ng personnel carriers, 299 units ng light motorcycles, 193 units of light transport vehicles, 75 units ng patrol jeep single cab at 155 units of light machine guns.

