PHRMO NUEVA ECIJA, NAGSAGAWA NG WORKSHOP PARA SUGPUIN ANG RED TAPE SA GOBYERNO
Nakiisa ang Anti-Red Tape Authority Central Luzon Regional Field Office sa isinagawang general orientation at workshop tungkol sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ng Provincial Human Resource Management Office – Nueva Ecija.
Ginanap sa Sierra Madre Suites, Palayan City ang naturang workshop na dinaluhan din ng lahat ng Department Heads, Chiefs of offices, and Hospitals at Administrative Officers ng Provincial Government ng Nueva Ecija.
Layunin ng workshop na mapabuti ang pag-unawa ng mga administrators at pagpapatupad ng batas upang mas mapabilis ang mga serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay PHRMO OIC, Mary Angeline A. Fernandez, mahalaga ang ganitong uri ng workshop upang matiyak ang maayos na implementasyon ng batas upang sugpuin ang red tape.
Ang red tape ay tumutukoy sa mga sagabal na proseso at sistema sa gobyerno na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan, kaya mahalaga aniya na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga administrative officers’ para maiwasan ang mga ganitong problema.

