BABALA! SENSITIBONG BALITA:

CHINESE NATIONAL, HULI SA PAGBEBENTA NG PARTY DRUGS SA ANGELES CITY AT MAYNILA

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) of Republic Act 9165 na walang piyansa ang isang lalaking Chinese na nakumpiskahan ng tinatayang Php 250,000.00 na halaga ng party drugs o mas kilalang Ecstacy.

Kinilala ang suspect na si Jinfu Wang, alias Simon, 44 years old, may asawa, at residente ng BGC Taguig condominium.

Base sa report ng PDEA Region 3, ang buy-bust operation ay isinagawa ng pinagsanib-pwersa ng PDEA Pampanga Provincial Office, Angeles City Police at Station 4 sa kahabaan ng Don Juico Avenue, Barangay Malabanias, Angeles City 8:35 ng gabi noong July 31, 2024.

Dinala sa laboratory ng PDEA para sa forensic examination ang mga nakuha sa suspek na one (1) resealable plastic bag na naglalaman ng 68 pieces of pink ecstasy; isa pang plastic bag ng 32 pieces of blue ecstasy; one (1) smart phone; Toyota FJ Cruiser; at ang marked money na ginamit ng nagpanggap na buyer.