2 BAGONG HOUSE UNIT NG GRAND VICTORIA ESTATE, IPINAKILALA SA PUBLIKO

Pinasinayaan at ipinakilala sa publiko kamakailan ng Grand Victoria Estates ang kanilang dalawang pinakabagong US model house units na Ivanna at Kyla.

Ayon kay Jennifer Cochon, Vice President for Sales ng Atlanda Land Corporation, ang dalawang pinakabagong house units na panglima na sa mga bahay na inooffer ng Grand Victoria Estates ay masusing plinano upang matiyak na magiging pinakamaganda ang mga ito, lalo na ang Ivanna, na maiaalok ng sinumang developer sa Cabanatuan City.

Sa limang house units, ang Ivanna na may apat na bed rooms, 135 square meters floor area at 150 square meters na lote ang pinakamahal na umaabot ng Php8.7 Million, habang ang sunod na pinakamahal ay ang Kyla na mayroong 81 square meters floor area at 120 square meters na lote.

May mga inooffer din silang discounts na aabot sa Php200K-350K na ibabawas sa mga downpayments, may extended payment term, mas pinababang reservation fees na mula sa Php20K-Php50K ay nasa Php10K-25K na lang, at ilang trip outside the country para naman sa mga agents.

Nakatakda din aniya nilang ilunsad ang North Field Residence na private community within a community sa loob ng Grand Victoria Estates kung saan itatayo ang marami pang Ivanna at Kyla model na house units.

Maliban sa the best na house units na iniaalok ng 63 hectares Community na matatagpuan sa Brgy. Bitas, Cabanatuan City, ay isa sa mga ipinagmamalaki ng GVE ang pananatili umano nitong nasa puso ng Lungsod ng Cabanatuan at hindi ito binabaha kahit na dumaan man ang mga bagyo.

Isa din aniyang gated community ang GVE at nagdagdag din sila ng mga roving guards para masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng lugar.

Narito naman ang mga requirements para sa mga nagnanais na magpareserve ng lote at bahay o lote lang:

  • Reservation fee
  • ID
  • Proof of address
  • Proof of Income (esp. kapag nag-apply ng housing loan sa mga bangko)
  • Initial screening

Para sa iba pang mga katanungan maaari magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook Page na Grand Victoria Estates o kontakin sa numerong 0917-8056-584.