KURYENTE, MAY PINAKAMALAKING AMBAG SA INFLATION SA NUEVA ECIJA NGAYONG HUNYO 2024

Sa isinagawang press conference, inihayag ng Philippine Statistic Authority Nueva Ecija ang kanilang report noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Base sa report, ang commodity groups na may pinakamalaking ambag sa inflation nitong Hunyo 2024 ay ang housing, water, electricity, gas o other fuels na may 6.4 inflation at 22.2% share.

Pangunahing nag-ambag sa inflation ng housing, water, gas fuels ay ang kuryente na may 13.8% inflation.

Ang Inflation o pagtaas ng presyo ng serbisyo sa lalawigan ay bumagal sa antas na 5.9 porsiyento ngayong Hunyo 2024.

Noong Mayo 2024 ang inflation ay naitala sa antas na 6.4% kumpara sa 4.5 noong June 2023. Ang average inflation mula Enero hanggang Hunyo 2024 ay nasa 6.1%.

Pangunahing dahilan ng mas mababang inflation ngayong Hunyo 2024 kaysa noong Mayo 2024 ay ang mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages sa antas na 9%.

Ito ay may 53.6% na pagbaba sa pangkalatang inflation sa lalawigan.

Ang pangunahing nag ambag sa naturang inflation ng food at non-alcoholic beverages ay ang mabilis na pagbagsak ng presyo ng bigas na may 21.4 inflation.

Pangalawang dahilan ng mas mababang inflation rate nitong Hunyo 2024 kaysa noong Mayo 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng transportation.

Ito ay nagtala ng 1% inflation at 21.9% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa lalawigan.

Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation ng transportation ay ang mas mabagal na pagtaas sa presyo ng gasolina na may 1.1% inflation.

Pangatlong dahilan ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng clothing at footwear
na nagtala ng inflation na 4.9% at 13% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa lalawigan .

Ang nag-ambag ng malaki sa pagbaba ng inflation sa lalawigan ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng shoes and other footwear na mayroong 1.4 inflation.

Pagdating sa antas ng overall inflation ngayong buwan ng Hunyo ang pangunahing commodity group na nag-ambag ay ang food at non-alcoholic beverages na may 9 percent inflation at 60.2% share.

Sa labing tatlong commodity groups, anim ang nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng Inflation.

Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Food and non-alcoholic beverages na may 9%
  2. Transport 1%
  3. Clothing and footwear 4.9%
  4. Health 3.8%
  5. Recreation, sports and culture 5%
  6. Personal care and miscellaneous 3.5%