KOTSE NA KAYANG PATAKBUHIN NG TUBIG, NAIMBENTO NG ISANG PINOY

Patuloy ang pagdaing ng mga motorista sa taas ng presyo ng gasolina.

Kaugnay nito, naalala nyo ba na mayroong isang Pilipino ang naka-imbento ng ordinaryong tubig lamang para mapatakbo ang isang kotse.

Si Daniel Dingel ay isang pilipinong nakapag-imbento ng 100 porsiyentong water powered na kotse na walang iba kundi ang plain H2o o tubig dahil ito ang tanging nagpapatakbo nito sa halip na gasolina.

Noong 1968 naimbento ni Daniel ang kauna-unahang kilalang “Water Powered Car” na noon at hanggang ngayon ay napakapopular, lalo na’t ang presyo ng gasolina ay patuloy na tumataas, at ang kapaligiran ay nagdurusa dahil sa polusyon na umaalingasaw sa ating kapaligiran..

Ang Water Powered Automobile ay naimbento ni Dingel sa pamamagitan ng 20 taon niyang pag-aaral sa hydrogen reactor o tinatawag na electrolysis kaya sa wakas ay nakagawa siya ng isang prototype na water car noong 1986.

Una niya itong inilapit sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas at naging viral na sa iba’t ibang news agency maging sa ibang bansa.

Maging ang dating Pangulong Marcos ay naging interesado sa nasabing imbensiyon na makakatulong sa ikonomiya ng bansa na renewable energy.

Personal na pinuntahan niya ito at sumakay sa kotseng pinatatakbo ng tubig at aprobado umano ito sa dating pangulo.

Subalit pagkalipas ng dalawang linggo nagkaroon ng kudeta at kasabay ng pagkatapos ng kanyang prototype na imbensiyon ay napatalsik ang mga Marcos sa Pilipinas

Ipinagpatuloy naman ito ni Pangulong Cory Aquino at ipinasuri sa Department of Science and Technology at ayon umano sa kanila ay walang katotohanan ang kanyang imbensiyon.

Subalit hindi nagpatinag si Daniel at patuloy niya itong inikot sa buong bansa para makakalap ng pondo at maipakilala sa buong mundo na kaya niyang gumawa ng kotse na tanging tubig lamang ang magpapatakbo.

Pagkalipas ng 5 taon noong taong 2000 ay natuklasan ito ng isang international company mula sa bansang Taiwan na FPG Group na isang napakalaking kompanya na nagpapatakbo ng renewable energy.

Pinag-aralan ito ng kanilang scientist team kung talagang totoo o at kung papaano patatakbuhin ang isang sasakyan sa pamamagitan lamang ng tubig at sa kanilang pagsusuri pagkalipas ng ilang buwan ay kanilang napatunayan na totoo ang naturang imbensiyon at napakalaking proyekto sa science.

Dito nagka interest ang nasabing kompanya sa pambihirang imbensiyon na tinalikuran ng sariling bansa. Kaya binalak nila itong i-commercialized at i-patent ang imbensiyon ni Dingel.

Binigyan ito ng malaking pondo para ulitin na makagawa ng mas magandang prototype, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lamang nagsampa ng kaso ang kompanyang FPG noong 2008 na nagbigay ng pondo sa kanya dahil hindi umano ito nakagawa ng prototype ayon sa kanilang kontrata.

Hindi ibig sabihin na hindi totoo ang kanyang imbensiyon ang dahilan lamang ay hindi ito nakapag produce ng naturang prototype taong 2008 ay nahatulan si Dingel ng 20 taong pagkabilango sa kasong estafa.

Sinubukan umano nitong i-apela ang naturang kaso dahil naniniwala si Dingel na kaya niyang mag produce ng naturang prototype subalit hindi na umano pwedeng i-apela ang kanyang kaso.

pagkatapos ng dalawang taon, taong 2010 ay tuluyan na itong pumanaw.