‘SPIDERMAN’, NAGCHANGE CAREER: KONDUKTOR, HATID AY GOODVIBES SA MGA PASAHERO HABANG SIKSIKAN SA BUS
Kahit siksikan na dahil sa dami ng nakatayo sa isang bus ay walang kakaba-kaba ang konduktor sa isang viral video na hindi nito masisingil ang bawat pasahero.
Ang konduktor kasi ay umakyat na sa taas ng mga upuan para lang malapitan isa-isa ang mga nakahilerang pasahero sa gitna ng bus para iabot ang kanilang mga fare tickets.
Ayon sa isang netizen, tila dating spiderman ang konduktor na nagpalit na ng career.
Sinabi ng uploader ng video na si John Isaac, papuntang IT Park ang kanyang nasakyang bus na nanggaling sa Mactan Newtown at dahil rush hours na ay talagang naging siksikan sa loob ng bus.
Saad pa niya na halos hindi na makagalaw ang mga pasaherong nakatayo at muntik pang hindi maisara ang pinto ng sasakyan.
Ganoon man aniya ang sitwasyon ay malimit namang magbiro patungkol sa sikip ang konduktor na bumenta naman sa mga nakasakay na commuters, hanggang sa maisipan na nga nitong umakyat na lang dahil hindi na siya makadaan sa gitna.
Para masingil pa umano ang iba pang pasahero ay ipinapasa-pasa na lamang ang bus tickets at ipinaabot ang kanilang mga pamasahe.
Relatable naman ito sa mga netizens na araw-araw nagco-commute na nagsabing ang mga konduktor daw ang kanilang pampagood-vibes sa tuwing sila ay bumibyahe.

