BABALA! SENSITIBONG BALITA!

2 WANTED PERSONS, NADAKIP SA SAN LEONARDO

Arestado sa isinagawang anti- criminality operations ng Nueva Ecija Police ang dalawang wanted persons sa mga Barangay ng Tabuating at Mambangnan, San Leonardo noong June 30, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina MIGUEL SANTOS y Teodoro, 50 years old, at ADRIAN REYES y Sillano, 45-anyos, residente ng mga naturang barangay.

Base sa report na isinumite kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director, NEPPO, ang dalawa ay magkahiwalay na dinakip ng San Leonardo Police para sa mga kasong RIR in Homicide and Damage to Property and Robbery.

Sila ngayon ay nasa kustodiya ng operating units ng kapulisan.