LIBO-LIBONG MGA DAGA, SINASAMBA SA BANSANG INDIA
Alam niyo ba na sa bansang India ay may templo ng daga?Mahigit sa 20 libong mga daga ang inaalagaan dito at pinoprotektahan sa templong ito?
Malayang naglalaro at nahahawakan at pinapakain ng mga turista at mga deboto ang mga naturang daga na kanilang sinasamba.
Matatagpuan ang pambihirang templong ito sa Deshnoke, isang bayan na 30 km lamang mula sa Bikaner. Ang templo na tahanan ng mga daga ay ang Karni Mata o sa salitang English ay Temple of Rats.
Ayon sa lokal na paniniwala, ang templo ay itinayo noong 1900 upang parangalan si Karni Mata, isang nagkatawang-tao na Hindu na Diyosa. Itinuturing din ang Templo bilang sagradong lugar na kasamang sinasamba ang mga daga. Nagsimula ito sa Mitolohiya.
Ayon sa alamat, nang malunod ang anak ni Karni Mata na si Laxman habang sinusubukang uminom mula sa isang Kapil Sarovar ay nahulog ito at namatay.
Nakiusap si Karni Mata sa Diyos ng Kamatayan na si Yama, na buhayin ang kanyang anak. Pumayag naman ito sa isang kondisyon na bubuhayin ang kanyang anak bilang isang daga at ang lahat ng mamamatay sa kanyang pamilya ay muling mabubuhay o marere-incarnate bilang isang daga.
Ang angkan ng mga Depavats ang sinasabing pamilya at mga deboto ng Diyosa na si Karni Mata.
Pinapakain, nililinis, inaalagaan at pinoprotektahan ng pamilya ng mga Depavats ang mga libo libong mga daga sa temple.
Sa loob ng temple makikita ang mga daga na umaakyat at bumababa sa hagdan at nakikihalubilo pa sa pagluluto sa kusina pinapakain nila ang mga daga ng palay, gatas, at sa bawat pagkain ng mga tao sa templo ay kasalo rin ang mga daga, at ang tubig at gatas na pinag-iinuman ng mga daga ay itinuturing na sagrado ng mga deboto at pilgrms kaya naman may mga umiinom nito na mga deboto at ang tira tira namang mga pagkain ng mga daga ay pinaniniwalaang magdadala ng swerte at magandang kapalaran.
Ang pamilya ay naniniwala sa reincarnation, pinaniniwalaan nila na kapag sila ay namatay ay muli din silang isisilang bilang mga daga sa templo.
At kapag namatay naman ang mga daga sa temple ay isisilang naman sila bilang tao na miyembro ng depavats family..Ito ang dahilan kung bakit itinuturing nilang pamilya ang lahat ng mga daga sa temple.
Para sa kanila sagrado ang mga ito dahil naniniwala sila na ito ay ang kanilang mga ninuno na muling nabuhay bilang mga daga.

