BAGONG GYM HANDOG NG KAPITOLYO, NAGAMIT SA KAUNA-UNAHANG GRADUATION NG CAWAYAN BUGTONG ELEMENTARY SCHOOL
Muling binigyan ng katuparan nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali ang pagkakaroon ng isang bagong multipurpose facility gym ng Cawayan Bugtong Elementary School sa bayan ng Guimba.
Ayon kay Principal Susana Aguinaldo, napakahirap para sa kanilang mga mag-aaral ang walang magamit na Gym lalo na kapag mayroon silang activities sa school.
Lalo na aniya sa umaga dahil nabibilad ang mga bata sa sobrang sikat ng araw ay hindi sila nakakapag program, kaya hinihintay na lamang nila sa hapon para kahit paaano ay wala na ang sikat ng araw.
Isa rin sa mga malaking suliranin ng nasabing paaralan ay kapag panahon ng Graduation ay wala rin silang magagamit na pagdarausan.
Dahil dito ay gumawa sila ng Request sa Pamahalaang Panlalawigan para magkaroon sila ng Gymanasium na kagad naming tinugunan. Kaya malaking pasasalamat ng mga magulang, mag-aaral at mga guro, dahil may nagamit na silang maganda at maayos na gym, sa kauna-unahan nilang graduation kung saan hindi na naiinitan at nag sisiksikan ang mga magsisipagtapos.
Paliwanag ni Engr.Georgina Esguerra, ang proyekto ay handog ng pamahalaang panlalawigan para sa mga batang mag-aaral.
Magsisilbi umanong classroom na rin ng mga estudyante at guro ang ipinagkaloob na multipurpose gym upang tugunan ang kakulangan sa classroom ng eskwelahan.

