Sa modernong panahon, maraming lalaki na ngayon ang nag-e-explore ng men’s makeup upang ma-enhance ang kanilang itsura at madagdagan ang kumpiyansa. Isa sa pinakamadaling gabay ay ang YouTube video na “The Art of Quick, Effortless Men’s Makeup” ni Matiss Swann. Sa video, itinuro niya ang sikreto para sa “quick, effortless makeup” na babagay sa facial features ng mga kalalakihan. Layunin nitong maturuan silang mas i-enhance pa ang manly features nila.
Bakit Mahalaga ang Men’s Makeup
Ang men’s makeup ay hindi lamang ginagamit para sa panlabas na anyo o kakisigan, kundi para sa self-confidence at presentable na itsura. Ayon kay Matiss Swann, ang simpleng routine ay tumutulong maipakita ang natural na ganda ng hubog ng kanya-kanyang mukha. Bukod pa dito, ang simpleng grooming routine ay hindi lamang para makisabay sa trend, kung hindi para maging presentable sa araw-araw na ganap o aktibidad katulad ng trabaho o pagpasok sa paaralan.
Mga Hakbang sa Simpleng Makeup Routine
Samantala, itinuturo ng video ang step-by-step routine na madaling sundan at hindi nangangailangan ng maraming produkto.
- Una, pantayin ang kutis gamit ang light concealer.
- Pangalawa, ayusin ang kilay gamit ang brow gel.
- Tapusin ang routine sa pamamagitan ng paggamit ng subtle powder upang maiwasan ang oily na mukha.
Sa ganitong paraan, makakamit ang natural at fresh na hitsura na hindi halatang may suot na makeup. Samakatuwid, itong makeup routine ay nababagay na sundan ng mga beginner na naghahanap ng madaling men’s makeup para sa pang-araw-araw.
Mga Benepisyo ng Paglalagay ng Makeup Para sa mga Kalalakihan
Bukod pa rito, ang routine ay nagdudulot ng confidence, presentable na itsura sa trabaho o social gatherings, at comfort sa sarili.
Ayon kay Matiss Swann, ang ganitong routine ay “quick, effortless, and perfect for daily use.”
Sa kabuuan, ang men’s makeup ay para sa lahat ng lalaki na gustong maging fresh at confident sa araw-araw.
Credit: Inspired by Matiss Swann, YouTube – The Art of Quick, Effortless Men’s Makeup

