unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Suporta ng Pamilya, Mahalaga para sa Matagumpay na Mag-aaral

Posted by Martin Manangkil | Mar 9, 2026 | 0

Suporta ng Pamilya, Mahalaga para sa Matagumpay na Mag-aaral

Mahalaga ang gampanin ng suporta ng pamilya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. dahil hindi kahirapan ang pumapatay sa pangarap, kundi kakulangan ng suporta, oportunidad, at paniniwala.

Maraming pag-aaral ang nagpapakita ng epekto ng suporta ng magulang sa pagkatuto ng isang bata. Isa na rito ang pag-aaral ni Jane Graves Smith.

Si Smith ay isang Associate Professor ng Psychology sa Concordia University na nagpakadalubhasa sa pag-unlad ng pamilya ng bata.

Ayon kay Smith, mahalaga ang pakikilahok ng magulang sa pag-aaral ng bata para sa sipag, kumpiyansa, at tagumpay, kahit kapos sa pinansyal.

Suporta ng Pamilya, Daan Tungo saTagumpay

Ilan sa mga dahilan kung bakit walang oras ang magulang sa pag-aaral ng anak, trabaho, pinansyal, personal na problema, o kakulangan sa kaalaman.

Ngunit, kailangan ba ang partisipasyon ng magulang kung sila ay nahihirapan? Sa kabilang banda, hindi ba’t mas mainam na gugulin ang oras sa pagtatrabaho para matustusan ang pangangailangan?

Pinabulaanan ito ni Smith sapagkat, ayon sa kaniyang pag-aaral, malaking tulong ang pakikilahok ng magulang. Mas nagiging masipag, kumpiyansa, at nagtatagumpay ang mga estudyante.

Nangangahulugan ito na dapat may oras na ilaan sa pagsuporta sa mga bata. Sa ganitong paraan, sagayon ay lalong ginaganahan ang bata sa pag-aaral.

Para kay Smith, hindi lang pinansyal ang mahalaga, ang oras na ilalaan sa bata ay puhunan rin sa  kanilang kinabukasan.

Mga Programang Suporta para sa Pamilyang Pilipino

Ayon kay Smith ang pagkilala sa tunay na pangangailangan ng pamilya ang unang hakbang para sa epektibong pakikilahok.

Bilang tugon,ang pagpapatayo ng Family Resource Center ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay pagkain, damit, computer, at klase, para suportahan ang magulang at mapabuti ang edukasyon.

Sa Pilipinas ang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) ay isa sa mga halimbawa ng hakbang ng pamahalaan. Ito ay upang matugunan ang kakulangan ng mahihirap na pamilya.

Bukod pa rito, binago ng paaralan ang kahulugan ng “pakikilahok ng magulang.” Hindi lang ito pagsali sa klase o pagdalo sa mga pulong.

Kahit ang paghatid sa anak, pakikipag-usap sa guro, o pagtulong sa bata sa bahay ay itinuturing nang mahalagang pakikilahok. Makikita ito tuwing Family Day.

Ipinakita ng pag-aaral na nang magkaroon ng pag-unawa ang mga guro sa kalagayan ng mga pamilya, mas naging maayos ang relasyon.

Sa huli rito damayan at suporta ang kailangan. Sa pagtutulungan, mas nagiging matagumpay ang mga mag-aaral, at mas magkakaroon ng magandang kinabukasan.

Share:

PreviousMINING EQUIPMENTS NG WOGGLE CORPORATION SA VIZCAYA, IAALIS NA
NextFOREIGN POLICY NG US SA CUBA: ISUSUNOD SA IRAN?

About The Author

Martin Manangkil

Martin Manangkil

Related Posts

9 THINGS EVERY MAN SHOULD HAVE IN HIS CLOSET

9 THINGS EVERY MAN SHOULD HAVE IN HIS CLOSET

September 9, 2024

PAYO NI DOC. PARA SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN

PAYO NI DOC. PARA SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN

September 15, 2025

Benepisyo ng Lip Balm: Tips para sa Healthy at Moisturized na Labi

Benepisyo ng Lip Balm: Tips para sa Healthy at Moisturized na Labi

January 26, 2026

MGA SANHI NG PAGKARUPOK NG MGA KUKO AT PAANO ITO MAPANGANGALAGAAN

MGA SANHI NG PAGKARUPOK NG MGA KUKO AT PAANO ITO MAPANGANGALAGAAN

November 17, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .