NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, NANGUNGUNA SA TEAM STANDING NG NORTH DIVISION

Tinalo ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Zamboanga Master Sardines sa score na 83-80 sa kanilang laban noong sabado June 8, 2024 sa MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League sixth season elimination round sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Nanguna si will Mcaloney sa Nueva Ecija, ang 2022 MPBL champion, na may 16 puntos, sinundan ni Emman Calo na may 15 puntos.

Nasa number #1 standing ngayon ang Rice Vanguards sa North Division, sa kanilang 10 panalo at walang talo. nasa likuran nila ang San Juan Knights na may 9-0 karta kasunod ang Pampanga na may 10 panalo at 1 talo.

Sa south division naman ay nangunguna ang Quezon Huskers na may 10-0 kasunod ang Batangas City na may 9-3

Inaabangan naman ng mga Novo Ecijano ang muling pagtatapat ng defending champion na Pampanga Giants laban sa 2022 champion Nueva Ecija Rice Vanguards sa June 29 sa Nueva Ecija Coliseum.

Samantala nag halimaw naman si Greg Slaugther sa kanyang double-double performance sa kanilang laban sa Rizal Golden Coolers matapos na umiskor ng 16pts.19 reb at 5 assists.

Si Slaugther ay naglaro sa Brgy. Ginebra at na trade sa Batang Northport, matapos magkaroon ng konting alitan sa kanyang coach na si Pido Jarencio ay lumipat ito sa Japan B League sa Fukuoka at ngayon ay naglalaro na sa MPBL sa koponan ng Manila Star.