Alex Honnold sa Taipei 101
Matagumpay ang pag-akyat ni Alex Honnold ang isa sa pinakamataas na building sa Asya na Taipei 101 sa Taiwan noong Linggo.
Ginawa niya ito nang walang lubid at walang harness.
Ang gusali ay may taas na 508 metro at may 101 palapag.
Pag-akyat ni Alex Honnold, Ipinalabas sa Netflix Sports
Mapapanood ang ginawa ni Alex Honnold sa programa ng Netflix na “Skyscraper Live.”
Tumagal ng 91 minuto ang mapanganib na pag-akyat ni Honnold.
Mensahe ni Honnold at Reaksiyon ng Publiko
Sa isang interview ng CNN kay Honnold, sinabi niyang ginawa niya ito dahil nais niyang magbigay inspirasyon sa mga tao.
Isa aniya sa mga aral dito ay limitado ang oras ng bawat isa.
Samantala, pinasalamatan din ng mga opisyal ng Taiwan si Honnold at Netflix sa pagtampok ng kanilang lugar.


