unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

NUEVA ECIJA, MATATAG NA TUMITINDIG KONTRA DROGA SA TRABAHO MATAPOS APRUBAHAN ANG DRUG-FREE WORKPLACE ORDINANCE

Posted by philpiccio | Jan 28, 2026 | 0

NUEVA ECIJA, MATATAG NA TUMITINDIG KONTRA DROGA SA TRABAHO MATAPOS APRUBAHAN ANG DRUG-FREE WORKPLACE ORDINANCE

Drug-free workplace ordinance Matatag na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang adbokasiya kontra droga sa lugar ng trabaho matapos pormal na aprubahan sa 20th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansang magpapatupad ng Drug-Free Workplace Policy sa lalawigan.

Ang panukalang ordinansa ay bunga ng liham ni Governor Aurelio M. Umali, na magalang na humiling ng pagpapatibay ng isang lokal na polisiya bilang pagsunod sa Sections 47 at 48 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa mga alituntunin ng Drug-Free Workplace Certification Program sa ilalim ng Joint Regional Memorandum Circular No. 01, Series of 2024 na inilabas ng DILG, DOH, DOJ, PNP, PDEA, at CSC – Region III.

Ipinaliwanag ni Angeline Fernandez, Provincial Human Resource Management Officer, na layunin ng ordinansa na magbigay ng malinaw, pare-pareho, at makatarungang balangkas sa pagpapatupad ng authorized at random drug testing sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa kanya, bagama’t may umiiral nang pambansang batas at mga regulasyon hinggil sa drug testing sa serbisyo publiko, kinakailangan pa rin ang isang lokal na ordinansa upang malinaw na maitakda kung sino ang magpapatupad, paano ito isasagawa, at anu-ano ang mga due process at confidentiality safeguards na susundin.

Binibigyang-diin sa ordinansa ang mandato ng batas sa pagsasagawa ng authorized at random drug testing upang mabawasan ang panganib sa lugar ng trabaho at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

NUEVA ECIJA, MATATAG NA TUMITINDIG KONTRA DROGA SA TRABAHO MATAPOS APRUBAHAN ANG DRUG-FREE WORKPLACE ORDINANCE

Alinsunod ito sa CSC Memorandum Circular No. 13, Series of 2017 na nagsasaad na ang random drug testing ay mandatory at itinuturing na bahagi ng patuloy na panunungkulan sa serbisyo publiko, gayundin sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 13, Series of 2018 na nag-uutos sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, lalo na ang mga local government units, na magpatupad ng institutionalized drug-free workplace policy.

Saklaw ng ordinansa ang lahat ng opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, kabilang ang mga permanenteng empleyado, job order, at contract of service personnel.

Itinatakda rin nito ang pagbuo ng Drug-Free Workplace Committee na bubuuin ng Local Chief Executive, Provincial Human Resource Management Officer, Provincial Health Officer, kinatawan mula sa Nueva Ecija Provincial Government Employees Association (NEPGEA), at Provincial Anti-Drug Abuse Council.

Kasama rin sa ordinansa ang pagtatatag ng isang assessment team na mangunguna sa mga information, education, awareness, at prevention programs, gayundin sa pagpapatupad ng Employee Assistance Program para sa mga empleyadong nagnanais sumailalim sa drug use intervention.

Tiniyak din sa panukala ang mahigpit na confidentiality ng mga resulta ng drug testing, pagkakaroon ng confirmatory at challenge testing, at malinaw na due process bago ang anumang posibleng parusa.

Sa kabuuan, ani Fernandez, layunin ng ordinansa na pangalagaan ang integridad ng serbisyo publiko, protektahan ang kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan, at tiyakin na ang mamamayan ng Nueva Ecija ay patuloy na makatatanggap ng epektibo, episyente, at mapagkakatiwalaang serbisyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Share:

PreviousCABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA – Inaprubahan na ang Drug-Free Workplace Ordinance sa lalawigan.
NextLTO, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG 4-WHEELS NA KUNIN NA ANG REPLACEMENT PLATES

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mga Makabagong makinaryang pangsaka, ipinarada sa 41ST PHILMECH  Anniversary

Mga Makabagong makinaryang pangsaka, ipinarada sa 41ST PHILMECH Anniversary

May 24, 2019

May-ari ng Cell Phone Shop, Bulagta sa Pamamaril; Binata Binoga ng Tandem Habang Nanonood ng Basketball, Todas

May-ari ng Cell Phone Shop, Bulagta sa Pamamaril; Binata Binoga ng Tandem Habang Nanonood ng Basketball, Todas

August 18, 2015

PAGPAPATAYO NG BAGONG BILIBID SA PALAYAN CITY, NUEVA ECIJA, PINAG-AARALAN

PAGPAPATAYO NG BAGONG BILIBID SA PALAYAN CITY, NUEVA ECIJA, PINAG-AARALAN

June 9, 2025

Secretary Piñol, inilipat na ang pangangalaga ng Solar Power Irrigation sa mga magsasaka ng Llanera

Secretary Piñol, inilipat na ang pangangalaga ng Solar Power Irrigation sa mga magsasaka ng Llanera

February 12, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .