Presyo ng palay: Nagkasundo ang rice industry stakeholders na itakda ang buying price ng palay sa P17 kada kilo para sa wet palay at P21 kada kilo para sa dry palay.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel de Mesa, epektibo ito sa ilang lugar sa Luzon hanggang mag-peak ang harvest season sa buwan ng Abril.
Kabilang dito ang Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Bulacan, Ilocos, at Central Luzon.
Ayon kay de Mesa, layunin ng hakbang na masigurong may maayos na kita ang mga magsasaka.
Ipinaliwanag ng DA na ang tamang presyo ng palay ay mahalaga para sa buong rice supply chain.
Kapag maayos ang buying price, mas nagiging stable ang bentahan ng bigas.
Dahil dito, mas napoprotektahan ang parehong magsasaka at konsyumer, at mas mapapanatili umanong kontrolado ang presyo ng bigas sa merkado.

