unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

SINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN

Posted by philpiccio | Jan 30, 2026 | 0

SINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN

SINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN; ISANG LALAKI PERSON OF INTEREST

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang umano’y sinadyang panununog sa tatlong jeepney na naganap sa Bulaon Public Market, lungsod ng San Fernando, Pampanga, madaling araw ng Lunes, Enero 26.

Batay sa kuha ng CCTV ng naturang barangay, bandang alas-3 ng madaling araw nang magsimula ang apoy mula sa isang nakaparadang jeepney na kalaunan ay kumalat at tumupok sa dalawa pang sasakyan.

May tatlo pang jeepney na nakaparada sa lugar ang bahagyang napinsala ng apoy.

Isa sa mga jeepney na tinupok ng apoy ang sinubukan pang iligtas ng may-ari, subalit hindi na ito naisalba at tuluyang nasunog.

Nakuhanan din ni Benjamin Regala ang nangyaring sunog at kaagad na umani ng reaksyon mula sa netizens at nagsabing posibleng sinadya ang pagsunog sa mga jeepney.

Tinatayang nasa P450, 000 hanggang P600, 000 ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa insidente.

Sa kasalukuyan batay sa mga ulat, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang eksaktong sanhi ng sunog.

Hawak na rin umano ng pulisya ang lalaking nakunan sa CCTV na bumaba mula sa jeep na pinagmulan ng apoy at agad na lumayo sa lugar, bilang person of interest sa insidente.

Samantala, agad na nagbigay ng tulong ang Barangay Bulaon sa mga apektadong indibidwal, kabilang ang pamamahagi ng damit, kaunting grocery, at tulong pinansyal.

Nanawagan naman si Barangay Captain Lavernie P. Gopez sa publiko na kung may nakakita ng kahina-hinalang kilos o may impormasyong makatutulong sa imbestigasyon, ay makipag-ugnayan agad sa Barangay o sa kinauukulang awtoridad.

Patuloy ang paalala ng mga opisyal sa publiko na maging mapagmatyag at makiisa upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.

Share:

PreviousMGA PUTONG KAKANIN NA SWAK SA PANLASA AT BUDGET SA CABANATUAN
NextPAGHAHAIN NG COC PARA SA 2026 BSKE, ITINAKDA MULA SETYEMBRE 28 HANGGANG OKTUBRE 5

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

HACIENDA TRIALA

HACIENDA TRIALA

December 16, 2024

DATING 4Ps BENEFICIARY, BAGONG ABOGADO

DATING 4Ps BENEFICIARY, BAGONG ABOGADO

January 20, 2026

ANG ASWANG SA GUIMBA

ANG ASWANG SA GUIMBA

May 11, 2025

AMA SA TARLAC, ANAK NA LGBTQ ANG KA-DATE SA ARAW NG MGA PUSO

AMA SA TARLAC, ANAK NA LGBTQ ANG KA-DATE SA ARAW NG MGA PUSO

February 18, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .