Alcaraz, Tinalo si Novak Djokvic
Gumawa ng kasaysayan si Carlos Alcaraz matapos manalo sa men’s final ng Autralian Open.
Sa edad na 22 taong gulang, tinalo niya ang beteranong tennis player na si Novak Djokovic sa apat na sets.
Bagamat natalo sa unang set, mabilis siyang bumawi. Nagtapos ang laban sa iskor na 2-6, 6-2, 6-3, 7-5.
Australian Open Record, Hindi Naabot ni Djokovic
Samantala, target ni Djokovic ang ika-25 Grand Slam title. Gayunpaman, nahirapan siyang tapatan ang bilis at athleticism ni Alcaraz.
Dahil sa pagkatalo, muling naantala ang record ng beteranong manlalaro.
Bagong Henerasyon ng Tennis
Ang Australian Open ay isa sa pinakamalaking tennis tournaments sa mundo. Ito ang unang Grand Slam na ginaganap bawat taon. Kasama ito sa French Open, Wimbledon, at US Open.
Sa edad na 22, naabot ni Alcaraz ang pagkapanalo sa Grand Slam. Itinanghal siya bilang kampeon sa lahat ng apat na major tournaments.
Dahil dito, kabilang na siya sa grupo ng Open Era champions.

