Pinatay na pulis kasama ang anak opisyal nang idineklara ng mga awtoridad na “closed” ang kaso ng pagpaslang kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak na si John Ysmael matapos ang pag-aresto sa apat na suspek.
Kinilala bilang mastermind ang car agent na mag-asawang Pia Katrina Panganiban at Christian Panganiban, na isang dismissed police officer.
Apat na suspek ang nasa kustodiya, kabilang ang mag-asawang Panganiban, ang kanilang helper, at ang kapatid ni Christian na kusang sumuko dahil sa konsensiya.
PINATAY NA PULIS KASAMA ANG ANAK, NANANATILING ‘PERSON OF INTEREST
Nahaharap ang mga suspek sa two counts ng kasong robbery with homicide at theft.
Habang, nananatiling person of interest ang hiwalay na asawa ng biktima na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido at kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive custody.
Ngunit, nilinaw ng mga awtoridad na hindi siya primary suspect, gayunman nahaharap siya sa administrative cases at may inihain nang reklamo laban sa kanya para sa obstruction of justice.
Isa sa mga suspek ang nag-akusa na siya ang mastermind, pero sinabi ng Quezon City Police District na kulang ang ebidensiya upang patunayan ang alegasyong ito, at umatras na rin ang pamilya ng biktima sa reklamo laban sa kanya.
Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang krimen sa isang pekeng car deal para sa isang Mitsubishi Montero na nagkakahalaga ng P1.1 milyon.
Nakapagbigay na umano ang biktima ng P550,000 na down payment bago siya inanyayahan sa bahay ng mga suspek sa Novaliches, Quezon City noong January 16, 2026 upang tapusin ang transaksiyon.
Lumabas sa ebidensiya na plinano ang krimen dahil tinakpan ng plastic ang sofa at bumili ng garbage bags ang mga suspek bago ang insidente.
Si Mollenido ay binaril sa ulo habang ang kanyang anak ay pinatay sa pamamagitan ng suffocation gamit ang plastic bag.
Matapos ang pagpatay, inilagay umano ang mga bangkay sa sasakyan ng mga suspek.
Isinama pa ng mga suspek ang kanilang tatlong anak sa isang kunwaring “family trip” upang itapon ang mga labi.
Natagpuan ang bangkay ni Mollenido sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan noong January 24.
Samantala, ang mga labi ng kanyang anak ay natagpuan sa Victoria, Tarlac noong January 29, 2026.
BABALA SENSITIBONG BALITA:


