unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

AAP TUTOL SA 5-TAONG BISA NG REHISTRO NG SASAKYAN; DOTR, IPINALIWANAG ANG PANUKALA

Posted by philpiccio | Feb 7, 2026 | 0

AAP TUTOL SA 5-TAONG BISA NG REHISTRO NG SASAKYAN; DOTR, IPINALIWANAG ANG PANUKALA

Ipinahayag ng Automobile Association of the Philippines (AAP) ang pagtutol nito sa panukala ng Department of Transportation (DOTr) na palawigin sa limang taon ang bisa ng rehistro ng mga sasakyan mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Sinabi ni AAP President Augustus “Joe” Ferreria na may kaugnayan ang panukala sa mahabang pila sa mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO). Aniya, sa halip na palawigin ang bisa ng rehistro, mas dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapabilis ng proseso ng pagpaparehistro ng sasakyan.

Dagdag pa ni Ferreria na umaabot ng kalahating araw ang ginugugol ng mga motorista sa LTO sa tuwing magpaparehistro ng sasakyan. Iminungkahi niya ang pagtatakda ng malinaw na turnaround time sa proseso ng rehistro.

Nagbabala rin si Ferreria na sa ilalim ng limang taong rehistro, maaaring maipon ang mga multa at paglabag sa trapiko. Ipinaliwanag niyang ang mga paglabag sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay nakatala batay sa sasakyan at hindi sa indibiduwal na drayber.

AAP TUTOL SA 5-TAONG BISA NG REHISTRO NG SASAKYAN; DOTR, IPINALIWANAG ANG PANUKALA

Samantala, sinabi ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez na mahalaga ang pagtitiyak sa pagiging roadworthy ng mga sasakyan. Sa kanyang pahayag, ang mga bagong sasakyan ay karaniwang may tatlo hanggang limang taong warranty mula sa mga dealer.

Ipinaliwanag ni Lopez na layon din ng panukala na mabawasan ang siksikan sa mga tanggapan ng LTO at mapadali ang proseso para sa publiko. Sa ilalim ng panukala, limang taon ang bisa ng unang rehistro ng bagong sasakyan, at magsisimula ang taunang renewal sa ikaanim na taon.

Target ng DOTr na maglabas ng department order sa Pebrero 15 at makipagpulong sa LTO para sa paglalabas ng memorandum circular kaugnay ng implementasyon ng panukala.

Samantala, inanunsiyo ni Palace Press Officer Claire Castro na “initially approved” na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang limang taong bisa ng rehistro ng mga bagong sasakyan.

Ayon kay Castro, inaasahang maglalabas ng memorandum ang DOTr para sa pormal na pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Share:

Previous₱24-Milyong Ilegal na Droga Nakumpiska sa Central Luzon sa Isang Buwang Pinalakas na Police Operations
NextNAANTALANG PROYEKTO SA PAMPANGA, MAMADALIIN NA UMANO NG DPWH

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Pagtatayo ng mga bagong ahensya, isinusulong sa Senado

Pagtatayo ng mga bagong ahensya, isinusulong sa Senado

January 26, 2019

KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN, LALABANAN NG KOALISYON NG MGA AHENSYA NG GOBYERNO AT IBA’T IBANG ORGANISASYON

KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN, LALABANAN NG KOALISYON NG MGA AHENSYA NG GOBYERNO AT IBA’T IBANG ORGANISASYON

November 8, 2024

PILIPINAS, GINAWARAN NG DESTINATION OF THE YEAR AWARD

PILIPINAS, GINAWARAN NG DESTINATION OF THE YEAR AWARD

October 2, 2022

FRANCE, SASALI SA JOINT MILITARY EXERCISES SA WEST PHILIPPINE SEA

FRANCE, SASALI SA JOINT MILITARY EXERCISES SA WEST PHILIPPINE SEA

May 17, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .