unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PARAAN UPANG PALAKASIN ANG LOOB NG INYONG ANAK

Posted by philpiccio | Feb 9, 2026 | 0

PARAAN UPANG PALAKASIN ANG LOOB NG INYONG ANAK

PARAAN UPANG PALAKASIN ANG LOOB NG INYONG ANAK

Hi mga mars, It’s me again your Star Rodriguez-Piccio para sa panibagong episode ng Beauty, Health at iba pang Tips!

At sa araw na ito ay pag-uusapan natin ang mga paraan upang palakasin ang loob ng inyong mga anak.

Madalas nating naririnig ang mga salitang, “Hindi ko kaya”, “Natatakot ako subukan” sa mga bata noon hanggang sa kasalukuyan.

Ang takot ay isang tipikal na tugon sa mga bagong hamon o karanasan na hinaharap natin.

Ang mga sitwasyong ito ay nagpaparamdam sa mga bata na hindi sila sigurado, mahina, walang kakayahan, at pagkabalisa.

Nawawala ang kumpiyansya at pokus ng isang bata sa tuwing makakaramdam ng takot.

Ayon kay Ashley Cullins ng Big Life Journal, mas pinipili ng mga bata na HINDI subukan ang mga bago sa kanilang paningin at pakiramdam na nagdudulot ng pagsisisi sa huli.

Narito ang ilang tips upang maiwasan ito.

PARAAN UPANG PALAKASIN ANG LOOB NG INYONG ANAK

  1. Suporta at Presensya
    Mahalaga ang pagpapakita ng suporta sa lahat ng mga gustong gawin ng mga bata.

Ang pagkakaroon ng presensya ng magulang sa mga gawain ng kanilang mga anak ay isang magandang hakbang upang ipakita sa mga bata na anumang mangyari ay nariyan silang mga magulang sa kanilang tabi at handang gabayan sila anumang oras.

  1. Papuri at reward
    Ang pagpuri sa bawat proseso ng pagkatuto ng mga bata ay isang napakagandang paraan upang ipakita ninyo sa inyong anak na mayroon silang ‘improvement’ sa kanilang ginagawa.

Ang “Mahusay o magaling anak!” o kahit simpleng pagpalakpak, thumbs up at pagngiti ay nakapalaking bagay.

Gayundin ang pagbibigay ng reward ay isang paraan ng pagpapakita na naging mahusay at magaling sila sa bagay na kanilang sinubukan o ginawa, maliit man o malaki ang reward ay tiyak na buong puso itong tatanggapin ng mga bata na may ngiti sa labi.

  1. Magtanong ng mahinahon
    Ang pagtatanong sa inyong mga anak ng mga bagay na nagpapagulo ng kanilang isipan ay maaaring makatulong na bawasan ang pag-aalinlangan at madagdagan ang kumpyansa nila sa sarili.

Halimbawa maaari mong tanungin ang iyong anak kung “Mayroon bang anumang bagay na mahirap o nakakatakot sa iyong ginagawa?”

  1. Kaya ko ‘to!
    Sa susunod na mag-aalala ang iyong anak na hindi niya magawa ang isang gawain, ipaalala mo sa kanya na kailangan niyang magkaroon ng motibasyon sa sarili sa pagsasabi ng “Kaya Ko”.

Sa ganitong paraan ay lalakas ang kanilang loob at motibasyon na gawin ang mga kinatatakutang gawain.

Lagi mong paalalahanan ang iyong anak na hindi lahat ay ipinanganak na mahusay na kaagad bagkus ang

kailangan nila itong diskubrehin at matutuhan, masanay at ma-explore.

Walang masama na sumubok at magkamali, ang mahalaga ay matuto sila mula dito.

Share:

PreviousBATA, MULING NAKATAGPO NG PAG-ASA SA ASO NA KAMUKHA NG KANYANG NAWALANG ALAGA
NextALEX EALA, MAG-UUWI NG MILYONG PREMYO SA ABU DHABI RUN

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MGA PAGKAING KAKAIBA AT MASUSTANSIYA, TIYAK NA KAHUHUMALINGAN NG MGA BATA

MGA PAGKAING KAKAIBA AT MASUSTANSIYA, TIYAK NA KAHUHUMALINGAN NG MGA BATA

March 25, 2024

NAPAPANSIN MO BA ANG PANGINGITIM NG IYONG MGA LABI?

NAPAPANSIN MO BA ANG PANGINGITIM NG IYONG MGA LABI?

February 12, 2024

MGA SANHI NG PAGKARUPOK NG MGA KUKO AT PAANO ITO MAPANGANGALAGAAN

MGA SANHI NG PAGKARUPOK NG MGA KUKO AT PAANO ITO MAPANGANGALAGAAN

November 17, 2025

‘’FASHION TIPS SA TAMANG PAGPILI NG DAMIT”

‘’FASHION TIPS SA TAMANG PAGPILI NG DAMIT”

February 3, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .