North Korean Soldiers Housing sa Pyongyang
Inilunsad ni Kim Jong-un ang North Korean Soldiers Housing para sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa Ukraine-Russia War. Matatagpuan ang bagong housing district sa Hawasong area sa Pyongyang at tinawag itong Saeppyol Street.
Makikita sa state media photos si Kim habang iniinspeksyon ang lugar kasama ang kanyang anak na si Kim Ju-ae.
Bumisita rin siya sa ilang tahanan at nakipag-usap sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo. Ayon kay Kim, simbolo ang proyekto ng sakripisyo at katapatan ng mga namatay sa digmaan.
Dagdag pa niya, pinabilis niya ang proyekto upang mabigyan ng kaunting ginhawa ang mga nagluluksang pamilya.
Propaganda sa Likod ng Soldiers Housing
Kasabay ng pagbubukas ng North Korean Soldiers Housing, pinaigting din ang propaganda tungkol sa mga sundalong ipinadala sa Ukraine.
Kamakailan, nagbukas ang pamahalaan ng memorial complex sa Pyongyang na may mga rebulto ng mga sundalo. Ayon sa mga analyst, layunin nitong palakasin ang internal unity at bawasan ang posibleng public discontent.
North Korea, Suportado ang Russia
Bukod dito, ipinapakita rin nito ang matibay na suporta ng North Korea sa Russia.
Noong 2024, nagpadala rin ang bansa ng humigit-kumulang 14,000 sundalo sa ilalim ng mutual defence pact.
Batay sa ulat ng South Korea at Western sources, higit 6,000 sa kanila ang nasawi sa labanan.

