unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

LIBRENG SERBISYO CARAVAN NG PMTCAC, PATULOY NA NAGBIBIGAY OPORTUNIDAD SA MGA MAMAMAYAN NG NUEVA ECIJA

Posted by philpiccio | Feb 26, 2026 | 0

LIBRENG SERBISYO CARAVAN NG PMTCAC, PATULOY NA NAGBIBIGAY OPORTUNIDAD SA MGA MAMAMAYAN NG NUEVA ECIJA

Patuloy ang pag-ikot ng libreng serbisyo caravan ng Provincial Manpower Training Center and Assessment Center (PMTCAC) sa iba’t ibang bayan ng Nueva Ecija upang maghatid ng libreng masahe, libreng gupit, at libreng manicure sa mga mamamayan.

Sa bayan ng Guimba, maagang dumagsa ang mga residente upang makinabang sa serbisyong layong magbigay ginhawa lalo na sa mga nanay at kababaihan.

Ayon sa pamunuan, bahagi ito ng outreach program na direktang inilalapit sa mga barangay upang hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga benepisyaryo.

LIBRENG SERBISYO CARAVAN NG PMTCAC, PATULOY NA NAGBIBIGAY OPORTUNIDAD

Bukod sa libreng serbisyo, hinihikayat din ang mga kabataan at iba pang residente na mag-enroll sa mga kursong technical at vocational na iniaalok ng PMTCAC katuwang ang TESDA.

Samantala patuloy sa pagbibigay ng libreng pagsasanay at oportunidad ang tanggapan sa lalawigan. Patuloy naman ang pasasalamat ng pamunuan sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Share:

PreviousINFLATION SA CENTRAL LUZON BUMABA NOONG ENERO
NextBAGONG PNP DIRECTOR SA CENTRAL LUZON, NAGBABALA VERSUS SA MGA SANGKOT SA ILLEGAL CIGARETTES

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Cabanatuan City, bumaba; gulay, matumal ang benta

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Cabanatuan City, bumaba; gulay, matumal ang benta

February 27, 2019

Clark International Airport, palalawakin at pagagandahinsa susunod na limang taon

Clark International Airport, palalawakin at pagagandahinsa susunod na limang taon

March 23, 2017

33 bagong equipment, handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Novo Ecijano

33 bagong equipment, handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Novo Ecijano

February 25, 2016

Gov. Umali, personal na binisita ang mga pangunahing lugar na sinalanta ng Bagyong Lando

Gov. Umali, personal na binisita ang mga pangunahing lugar na sinalanta ng Bagyong Lando

October 23, 2015

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .