Ang Makasaysayang Rematch ng Mayweather vs Pacquiao 2
Mayweather vs Pacquiao 2—Magbabalik sa ring ang dalawang boxing legend na sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao.
Ito ay matapos ianunsyo ng Netflix ang poster para sa Mayweather vs Pacquiao na gaganapin sa September 19, 2026.
Ito ang unang professional boxing match na itatanghal sa sikat na Sphere sa Las Vegas.
Netflix Livestream
Mapapanood ang tapatang ito worldwide sa live stream ng Netflix.
Ayon sa Netflix, muling maghaharap ang dalawang icon ng boxing history sa isang espesyal na boxing event.
Bagama’t matagal nang hinihintay ng mga fans ang rematch, ngayon lang ito natuloy pagkatapos ng labing-isang taon.
Kasaysayan ng laban nina Mayweather at Pacquiao
Noong 2015, nanalo si Mayweather via unanimous decision sa kanilang unang paghaharap.
Sa ngayon, si Pacquiao ay 47 taong gulang na habang si Mayweather naman ay 49.
Kahit nagkakaedad na, naging maganda ang huling laban ni Pacquiao laban kay Mario Barrios noong nakaraang taon.
Dahil dito, marami ang naniniwalang kaya pa ring makipagsabayan ng Pambansang Kamao sa bilis at lakas.
Samantala, huling sumabak si Mayweather sa isang exhibition match noong 2024.

