Update sa Pagbubukas ng CLLEX
Nananatiling sarado ang entry/exit point ng Central Luzon Link Expressway sa Cabanatuan City sa kabila ng mga naunang pangako.
Maraming motorista ang nagtatanong kung bakit hindi pa rin ito bukas matapos ang mga target date noong nakaraang taon.
Dahil dito, ang inaasahang pagbubukas ng CLLEX ay muling naging usap-usapan sa social media dahil sa patuloy na paghihintay ng mga motorista.
“Napakatagal na nyan bkit kaya hnd magawa gawa,” komento ng isang netizen.
“Sobrang tagal nyo na pinaaabangan. Puro nlang abangan. Malapit na. Kaylan ba talaga,” dagdag pa ng isa.
Ayon sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), marami pang ginagawa sa highway at kailangan pa itong linisin nang mabuti.
Dahilan ng Delay sa Pagbubukas ng CLLEX
Matatandaan na noong February 6, 2026, personal na dinalaw ni Secretary Vince Dizon ang expressway upang pabilisin ang pagbubukas nito.
Gayunpaman, inamin ng DPWH na nagkaroon ng pagkaantala dahil sa mga nagdaang masamang panahon at mga technical adjustments sa interchange.
CLLEX, Target Buksan Ngayong 2026
Sa kabila nito, target pa rin umanong matapos ang lahat ng final works sa CLLEX ngayong taong 2026.

