GHOST PROJECT: Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga bali-balitang may anomalya sa Zambales.
Ayon sa kalihim, napatunayan na walang ghost project, partikular na sa Unang Distrito matapos ang imbestigasyon.
Ang nasabing distrito ay binubuo ng Olongapo City at mga bayan ng Subic, Castillejos, at San Marcelino.
Nag-ugat ang imbestigasyon matapos lumabas ang mga isyu kaugnay ng flood control project sa mga nabanggit na lugar.
Dahil dito, agad na nag-inspeksyon ang NBI, PNP, at AFP sa nasabing tanggapan ng gobyerno.
Gayunpaman, napatunayan ng mga awtoridad na dokumentado, maayos, at walang ghost project sa Zambales.
Samantala, binigyang-diin din ni Dizon na dapat laging protektahan ang mga imprastraktura para sa tunay na kapakinabangan ng publiko.
Dahil dito, patuloy umanong babantayan ng DPWH ang kalidad ng bawat proyekto upang matiyak na walang pondo ang masasayang.

