Ipatutupad ng Department of Education o DepEd ang mas pinasimpleng SHS curriculum 2026 upang pagaanin ang academic load ng mga mag-aaral.
Ayon sa Department of Education, sisimulan ito sa School Year 2026–2027.
Layunin ng reporma na ihanda ang mga estudyante sa kolehiyo, trabaho, at iba pang oportunidad.
Sa ilalim ng bagong sistema, mula 15 hanggang 17 core subjects ay magiging lima na lamang.
Kabilang dito ang Effective Communication, General Mathematics, General Science, Life and Career Skills, at Kasaysayan at Lipunang Pilipino.
Dahil dito, inaasahang mas makakapagpokus ang mga estudyante sa mahahalagang kasanayan.
Bukod dito, dalawa na lamang ang pangunahing track sa Senior High School.
Una ang Academic Track para sa mga planong magpatuloy sa kolehiyo.
Samantala, ang Technical-Professional o TechPro Track ay para sa mga nais agad magtrabaho.
Kasabay nito, palalawigin din ang work immersion o on-the-job training ng mga estudyante.
Dahil dito, mas magkakaroon sila ng praktikal na karanasan bago magtapos ng Senior High School.
MGA ESTUDYANTE, POSITIBO SA PAGBAWAS NG SUBJECTS
Samantala, positibo ang reaksyon ng ilang kasalukuyang Senior High School students sa reporma.
Ayon kay James Yango, Grade 11 student, mahirap ang ilang asignatura sa kasalukuyang curriculum.
Halimbawa nito ang Probability and Statistics, Mathematics, at Research defense.
Gayunpaman, naniniwala siyang makakatulong ang pagbawas ng subjects sa pag-aaral.
Bukod dito, pabor din siya sa pagpapalawak ng work immersion.
Aniya, nagbibigay ito ng aktwal na karanasan sa mga estudyante bago pumasok sa trabaho.
Samantala, sinabi rin ni Jim Matias, isa pang Grade 11 student, na magiging mas manageable ang pag-aaral.
Ayon sa kanya, marami at mabigat ang kanilang kasalukuyang subjects at requirements.
Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagpapahaba ng work immersion.
Makakatulong ito lalo na sa mga estudyanteng maaaring hindi na magpatuloy sa kolehiyo.
INCOMING GRADE 11, UNANG SASAILALIM SA BAGONG DepEd pinasimpleng SHS curriculum 2026
Samantala, ang mga papasok na Grade 11 sa Hunyo 2026 ang unang sasailalim sa bagong curriculum.
Gayunpaman, ang mga magiging Grade 12 sa School Year 2026–2027 ay mananatili sa kasalukuyang sistema.
Sa ganitong paraan, hindi maaantala ang kanilang pagtatapos.
Sa huli, umaasa ang DepEd na mas magiging handa ang mga kabataang Pilipino sa kolehiyo o trabaho.

