Nagpaalala si Sen. Bam Aquino na pinapayagan ng TRAIN LAW EXCISE TAX SUSPENSION ang awtomatikong suspensyon ng excise tax sa langis.
Mangyayari ito kapag umabot sa $80 kada bariles ang average world oil price sa loob ng tatlong buwan.
Kasunod ito ng anunsyong tataas ang presyo ng gasolina ng P1.90 at diesel ng P1.20 kada litro.
TRAIN LAW EXCISE TAX SUSPENSION, MAAARING GAMITIN PARA MABAWASAN ANG EPEKTO NG OIL PRICE HIKE
Ayon kay Aquino, makatutulong ang suspension upang mabawasan ang epekto ng oil price hike dulot ng tensyon sa Middle East.
Babala niya, ang pagtaas ng langis ay may domino effect sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
Naghain din siya ng Senate Bill 265 na naglalayong alisin ang excise tax sa diesel, kerosene, LPG, fuel oil, at gasolina.
Aniya, makatutulong ito sa mga commuter, tsuper, kabahayan, at maliliit na negosyo sa gitna ng mataas na inflation.
Bahagi ito ng kanyang mga panukala upang mapagaan ang gastusin ng mga Pilipino sa transportasyon, kuryente, at bilihin.

