unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

SINING AT GITING NG KABATAANG NOVO ECIJANO, IPINAMALAS SA NATIONAL ARTS MONTH

Posted by philpiccio | Mar 6, 2026 | 0

SINING AT GITING NG KABATAANG NOVO ECIJANO, IPINAMALAS SA NATIONAL ARTS MONTH

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office, ang pagdiriwang ng National Arts Month sa Old Capitol, Cabanatuan City, na may temang “Ani ng Sining, Katotohanan at Giting”.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa bilang pakikiisa sa pambansang pagkilala sa sining tuwing buwan ng Pebrero upang ipamalas ng mga alagad ng sining ang yaman ng Kultura at talento ng lalawigan.

Sa pangunguna ni Bb. Jan Mara Stefan C. San Pedro mula sa Tourism Office, binigyang-diin ang suporta nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali sa paghubog ng kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng pagpipinta at panitikan.

Pangunahing layunin ng programa na magbigay ng inspirasyon at dagdag na kaalaman sa mga kalahok sa pamamagitan ng mga art session, kung saan tinuruan sila sa pagpapaunlad ng kanilang mga likha at maibahagi ito sa kanilang mga paaralan at buong bansa.

Naging katuwang sa nasabing okasyon ang mga tanyag na “puno ng sining” kabilang sina G. Elito “Amang Pintor” Sirca, G. Armando Heron, at ang Master of Watercolor in the Philippines na si G. Rafael “Popoy” Cusi.

Nilalahukan ang kompetisyon ng 20 estudyante para sa painting at 17 estudyante para sa spoken poetry mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Ang mga nagwagi ay nag-uwi ng mga premyo: 30,000 pesos para sa unang gantimpala, 15,000 pesos sa ikalawa, at 10,000 pesos sa ikatlo, at tumanggap naman ng consolation prizes ang mga di pinalad manalo.

Sa Spoken Poetry, itinanghal na kampeon si Jocele Andrey C. Dee mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST).

Sa pamamagitan ng kanyang sariling pyesa na pinamagatang “Baliw,” tinalakay niya ang kahalagahan ng mga obrang madalas ay hindi napapansin ng lipunan.

Ayon sa kanya, ang napanalunang premyo ay malaking tulong upang matustusan ang gastusin sa kanyang akademikong research na kasalukuyang kulang sa badyet.

Sa Painting contest, nakuha ni Yuri mula sa Bongabon National High School ang unang puwesto. Ang kanyang obra na pinamagatang “Amang, Inang, at si Nening” ay nagpapakita ng isang huwarang pamilya ng mga magsasaka na puno ng pagmamahalan at suporta sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Share:

PreviousTRAIN LAW EXCISE TAX SUSPENSION, MAAARING GAMITIN PARA MAIBSAN ANG TAAS-PRESYO NG LANGIS
Next₱25-M SMUGGLED FOOTWEAR, NADISKUBRE SA BODEGA SA APALIT, PAMPANGA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Negosyante, Niratrat Habang Dumadalaw sa Sementeryo, Dedo, Dalawang Suspek sa Pangho-holdup, Nanlaban; 1, Patay

Negosyante, Niratrat Habang Dumadalaw sa Sementeryo, Dedo, Dalawang Suspek sa Pangho-holdup, Nanlaban; 1, Patay

January 28, 2015

Mga anak ng 2 diumano’y amasona, nanawagan na palayain ang kanilang mga ina

Mga anak ng 2 diumano’y amasona, nanawagan na palayain ang kanilang mga ina

October 24, 2018

713 KASO NG MGA NAKAGAT NG ASO AT PUSA, NAITALA NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE NG NUEVA ECIJA NGAYON LAMANG BUWAN NG ENERO; TATLO, NAMATAY DAHIL SA RABIES

713 KASO NG MGA NAKAGAT NG ASO AT PUSA, NAITALA NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE NG NUEVA ECIJA NGAYON LAMANG BUWAN NG ENERO; TATLO, NAMATAY DAHIL SA RABIES

February 24, 2015

Modernisasyon sa agrikultura, tinalakay sa Central Luzon State University

Modernisasyon sa agrikultura, tinalakay sa Central Luzon State University

September 10, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .