unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BAGONG BAR AND GRILL NA SUGBAAN KAY PEPE, PATOK SA MGA BARKADAHAN SA CABANATUAN

Posted by philpiccio | Mar 6, 2026 | 0

BAGONG BAR AND GRILL NA SUGBAAN KAY PEPE, PATOK SA MGA BARKADAHAN SA CABANATUAN

Patok ngayon sa mga mahihilig sa inihaw na pagkain ang bagong bukas na bar and grill na Sugbaan Kay Pepe sa Cabanatuan City. Ayon sa pamunuan ng establisyemento, ang salitang “sugbaan” ay hango sa wikang Bisaya na ang ibig sabihin ay ihaw o inihaw.

Nagbukas ang Sugbaan Kay Pepe noong March 1, 2026, kung saan tampok sa kanilang menu ang iba’t ibang uri ng inihaw na pagkain. Kabilang sa pinaka-patok na putahe dito ang inihaw na tuna panga at tuna belly, na kilala sa laki ng serving at abot-kayang presyo.

Ayon pa kay Paguinto, umaabot sa 800 gramo hanggang isang kilo ang timbang ng kanilang tuna panga na nagkakahalaga lamang ng P998. Direkta umano itong nagmumula sa General Santos City, na kilala sa de-kalidad na tuna.

Kabilang rin sa kanilang house specials ang Sugba Kilaw ni Pepe sa halagang P298 ; P368 naman ang Pork Saurci ni Pepe; Sinigang na Panga ni Pepe sa halagang P648; Bulalo ni Pepe na P748; habang P158 naman ang Canton ni Pepe. Mayroon rin silang mga appetizers at beer bottles. Kaya naman swak talaga sa barkadahan at pamilya.

Bukod sa mga inihaw na pagkain, nagdagdag na rin sila ng iba pang putahe tulad ng Chinese dishes, pansit at pasta upang mas marami pang pagpipilian ang mga customer.

Dahil sa malalaking serving at abot-kayang presyo, paborito umano ito ng mga barkadahan at pamilya. Maganda rin umano ang feedback ng kanilang mga naging customer dahil bukod sa nasasarapan sa pagkain ay nag-eenjoy din sila sa kanilang dining experience.

Bukas ang Sugbaan Kay Pepe araw-araw mula 1:00 ng hapon hanggang 11:30 ng gabi, at tumatanggap din sila ng delivery orders sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

Share:

Previous₱25-M SMUGGLED FOOTWEAR, NADISKUBRE SA BODEGA SA APALIT, PAMPANGA
NextHONTIVEROS NANAWAGAN NG PAGSUSURI SA KAHANDAAN NG BANSA SA PANDAIGDIGANG KRISIS

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

ISANG KABATAAN NA MAY PROBLEMA SA PUSO, NAKATANGGAP NG 100 FRUITBAGS NA KABUTE SA KAPITOLYO

ISANG KABATAAN NA MAY PROBLEMA SA PUSO, NAKATANGGAP NG 100 FRUITBAGS NA KABUTE SA KAPITOLYO

December 7, 2023

Voter registration para sa 2019 National and Local Elections, hanggang September 29 na lang

Voter registration para sa 2019 National and Local Elections, hanggang September 29 na lang

September 19, 2018

23 kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2022, opisyal nang ipinakilala; Premyo, mas pinalaki!

23 kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2022, opisyal nang ipinakilala; Premyo, mas pinalaki!

August 3, 2022

BANGKAY NG 12-ANYOS NA BATA, NATAGPUAN SA IRIGASYON SA CABANATUAN CITY; NALUNOD UMANO

BANGKAY NG 12-ANYOS NA BATA, NATAGPUAN SA IRIGASYON SA CABANATUAN CITY; NALUNOD UMANO

October 5, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .